Nilunsad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang “Pamilya Pass 1+3 Promo” kung saan ang pamilya o barkada na may apat na miyembro ay kailangan lamang magbayad ng isang tiket para makasakay sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3) at Light Rail Transit Lines 1 at 2.
Ang promo fare ay iiral lamang tuwing Linggo simula nitong Hunyo 1, 2025.
Upang masampolan ang rollout, sumakay sina Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at tatlong anak sa MRT-3 GMA-Kamuning Station sa Quezon City.
Inimbitahan ng First Family ang publiko na samantalahin ang fare promo upang mapalakas ang ugnayan ng pamil¬yang Pilipino.
“In Filipino culture, Sundays are for family, for loved ones. For bonding¬. That’s why we created this program called the 1+3 program” saad ni Marcos.
Aniya, ang inisyatibong ito ay dinesenyo para mabigyan ng tsansa ang mga Pilipino na magkaroon ng de kalidad na oras kasama ang pamil¬ya.
“So that families and friends can have the chance to be together. Hopefully, we can give our fellow Filipinos the chance to feel what Sunday means truly,” ani Marcos. (PNA)
