Maaari ng gamitin ang guarantee letter ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga piling outlet ng Mercury Drug Corporation.
Ayon sa DSWD, simu¬la sa Hunyo 2 ay 92 outlet ng Mercury Drug sa iba’t ibang rehiyon ang tatanggap na ng guarantee letters (GL) ng ahensya na ibibigay sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation at Ayuda para sa Kapos ang Kita Program.
At upang mas mara¬ming pasyente pa ang matulungan, itinulak ni AGRI party-list Rep. Wilbert Lee na maaprubahan ang panukalang Free Medicine Act (House Bill 9797) na kanyang inihain noong nakaraang taon.
Sa ilalim ng HB 9797, sisimulan ang isang medicine voucher program upang matulungan ang mga mahihirap na pasyente na makabili ng gamot sa mga ospital ng gobyerno, accredited drug stores at iba pang pribadong establisyemento. (Billy Begas)
