Imee, Cynthia, Robin inisnab impeachment toga

Nanumpa na ang lahat ng senador bilang impeachment judge para sa paglilitis ng kaso laban kay Vice President Vice President Sara Duterte nitong Martes ng gabi.

Gayunman, gumawa ng eksena sina Sen. Cynthia Villar, Imee Marcos at Robin Padilla dahil hindi sila nagsuot ng robe o toga bilang impeachment judge.

Bago ito, binigyan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero, na nanumpa na bilang presiding officer ng impeachment court noong Lunes, ng hanggang alas-6:15 para suotin ang kani-kanilang robe at para sa kanilang panunumpa bilang hurado sa paglilitis.

Subalit kahit ng nagpasukat ang mga senador ng kanilang mga toga, tumanggi naman silang magsuot nito at hindi rin sumama sa picture taking ng lahat ng senador. Sinabi pa ni Sen. Marcos na chaka umano ang toga at hindi bagay sa kanya, kaya hindi niya ito sinuot.

“Ayaw ko, chaka,” sabi ni Marcos.

Sa kanyang manipestasyon, sinabi ni Imee na: “That I make this oath without prejudice to the resolution of the jurisdictional issue as well as issues pertainin¬g to the validity of the impeachment complaint or to the filing thereof if any.”

Sabi naman ni Padilla: “Gusto ko lang din mailagay sa talaan na ako ay manunumpa pero may reserbasyon. ‘Yun lamang po.”

Nitong Martes ay nag-privilege speech naman si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at pinababasura ang impeachment complaint laban kay VP Duterte.

Written By

More From Author

nba-pacers

Bangko pero petmalu! Bennedict Mathurin pasiklab sa Pacers sa Finals Game 3

LUMIPAT sa Indianapolis ang NBA Finals na magkabuhol sa 1-1, pagkatapos ng Game 3, abante…

bella-bellen

Swak sa AVC semifinals! Bella Belen, Angel Canino, Alyssa Solomon binuhat Alas

SUMINGASING ang mga hitter na sina Michaela “Bella” Belen at Angel Anne Canino, maging si…

sylvia-sanchez

Sylvia Sanchez natulala, hindi malimot karanasan kina Cate Blanchett, Halle Berry, James Franco, Elle Fanning

Hinding-hindi na malilimutan ni Sylvia Sanchez ang karanasan niya sa 2025 Cannes Film Festival, na…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *