Humabol si Kathryn Bernardo sa celebrity premiere screening ng pelikula nina Charo Santos at Dingdong Dantes na “Only We Know“ sa cinema 3 ng SM Megamall nitong Martes ng gabi.
Wala na halos tao sa red carpet at lobby ng sinehan nang dumating si Kathryn. Nagsisimula na kasi ang special screening .
Mabuti na rin iyon dahil at least hindi nang-agaw ng attention ang Asia’s Superstar sa mga bida ng pelikula at sa iba pang artistang dumalo sa nasabing star-studded event.
Actually, galing pa kasi si Kathryn sa maghapong TV commercial shoot ng product endorsement niya sa Maynila.
Madaling araw pa lang nu’ng Martes ay nagtatrabaho na ang aktres.
For sure, masayang-masaya si ma’am Charo dahil hindi siya binigo ni Kath.
Imposible ring dedmahin ni Kathryn ang nasabing premiere night dahil hapon pa lang ay kalat na kalat na sa online universe na dadalo ang Kapamilya Box Office Queen sa event .
PInaskil kasi ito ng ABS-CBN Film Productions/ Star Cinema Inc. sa kanilang socmed ang pic.
