Ibinuhos ng Alas Pilipinas ang lakas nito sa AVC Women’s Volleyball Nations Cup sa Dong Anh Arena sa Hanoi, Vietnam nitong Huwebes, June 12.
Inilabas ng Philippine squad ang bangis matapos ilampaso sa tatlong set ang runner-up last year na Kazakhstan, 25-21, 25-15, 25-19, para umabante sa semifinals ng kompetisyon.
Naging sandigan ng Filipino spikers ang trio nina Angel Canino, Bella Belen at Alyssa Solomon para sunggaban ang matatangkad na mga Kazakh.
Lumundag ang Alas sa top spot ng Pool B sa 4-1 record, sa pangunguna ni Belen sa trinabahong 16 points at two blocks.
Sa knockout semifinal sa Biyernes, June 13, makakatuos ng Alas Pilipinas ang second seed sa Pool A.
Habang sinusulat ito, nasa ibabaw ng Pool A standings ang defending champions Vietnam sa 3-0 record habang pumapangalawa ang Chinese Taipei sa 2-1 card. (IS)
