Alas Pilipinas umabante sa AVC Nations Cup semis

Ibinuhos ng Alas Pilipinas ang lakas nito sa AVC Women’s Volleyball Nations Cup sa Dong Anh Arena sa Hanoi, Vietnam nitong Huwebes, June 12.

Inilabas ng Philippine squad ang bangis matapos ilampaso sa tatlong set ang runner-up last year na Kazakhstan, 25-21, 25-15, 25-19, para umabante sa semifinals ng kompetisyon.

Naging sandigan ng Filipino spikers ang trio nina Angel Canino, Bella Belen at Alyssa Solomon para sunggaban ang matatangkad na mga Kazakh.

Lumundag ang Alas sa top spot ng Pool B sa 4-1 record, sa pangunguna ni Belen sa trinabahong 16 points at two blocks.

Sa knockout semifinal sa Biyernes, June 13, makakatuos ng Alas Pilipinas ang second seed sa Pool A.

Habang sinusulat ito, nasa ibabaw ng Pool A standings ang defending champions Vietnam sa 3-0 record habang pumapangalawa ang Chinese Taipei sa 2-1 card. (IS)

More From Author

ue-volleyball

Shakey’s fund nawala? Mga player, coach pinagsisibak sa UE

ISANG panibagong malawakang sibakan ang muling naganap sa koponan ng University of the East (UE)…

chiz escudero and sara duterte

Chiz kinagat impeachment trial ni VP Sara

Mistulang tumiklop si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa matinding pressure na simulan na agad…

Test post 4

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *