BBM sisipatin implikasyon ng P200 dagdag sahod

Nais munang malaman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang implikasyon sa ekonomiya ng P200 wage hike na inaprobahan ng Kamara de Representantes, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na hihingin din Pangulong Marcos Jr. ang opinyon ng wage boards sa P200 dagdag sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

“We will look at the economic implications on this and how to resolve this with the opinion of the wage boards, since the wage boards are the creations of Congress,” wika ni Castro sa press briefing sa Malacañang.

“Nais ng Pangulo na maibigay kung ano ang makakabuti sa mga manggagawang Pilipino. Titingnan lahat ng aspekto nito at ang concerns ng lahat ng stakeholders,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Castro na malayo pa ang pagdadaanan ng legislated wage hike dahil iaakyat pa ito sa Senado para sa deliberasyon. Pero malinaw aniya ang kagustuhan ng Pangulo na maibigay kung ano ang karapat-dapat at mas makakabuti para sa lahat ng manggagawang Pilipino.

“Katulad ng sinabi ng ating Pangulo, titingnan ang anomang economic implications patungkol dito. Pero nais ng Pangulo na maibigay ang nararapat at mas makabubuti sa mga manggagawang Pilipino,” dagdag ni Castro. (Aileen Taliping)

Written By

More From Author

nba-pacers

Bangko pero petmalu! Bennedict Mathurin pasiklab sa Pacers sa Finals Game 3

LUMIPAT sa Indianapolis ang NBA Finals na magkabuhol sa 1-1, pagkatapos ng Game 3, abante…

bella-bellen

Swak sa AVC semifinals! Bella Belen, Angel Canino, Alyssa Solomon binuhat Alas

SUMINGASING ang mga hitter na sina Michaela “Bella” Belen at Angel Anne Canino, maging si…

sylvia-sanchez

Sylvia Sanchez natulala, hindi malimot karanasan kina Cate Blanchett, Halle Berry, James Franco, Elle Fanning

Hinding-hindi na malilimutan ni Sylvia Sanchez ang karanasan niya sa 2025 Cannes Film Festival, na…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *