Dingdong Dantes, Karylle nagkita muli

Trending at pinag-usapan ng bonggang-bongga ang segment na ‘KidSONA o ‘Song of the Nation Address’ ng ‘It’s Showtime’ noong Miyerkules.

Kasama kasi ng mga noontime host na naglaro sa nasabing segment sina Charo Santos at Dingdong Dantes. Silang dalawa ang magkampi at ang isa sa team na kalaban nila ay ang grupo nina Vice Ganda at Karylle.

Muli ngang umingay sa online world ang naging isyu ng hiwalayan noon nina Dingdong at Karylle dahil sa muling pagkikita ng dalawa.

Pinagbintangan din ng ibang netizens na nilaro umano ng noontime show ang dating magkasintahan dahil kinanta ang song na ‘Multo’ na pinasikat ng bandang Cup of Joe sa nasabing segment.

Eh tungkol sa unfinished relationship or ghosting daw ang nasabing kanta,
” Aliw talaga kayo @itsShowtime, sinakto pa talaga yung song choice na Multo – Cup of Joe kung kailan nandiyan si Dingdong with Karylle.”

Samantala, sa nasabing segment din nagpakuwela si Vice na biglang nagsumbong kay Ma’am Charo na kung kailan daw ito nag-guest sa show nila ay saka naman absent sina Anne Curtis, Vhong Navarro, at Jhong Hilario.

Game na game naman itong sinakyan ni Charo at tila sinermunan nang live sa national TV ang tatlo.

Talak ni Charo, “Hindi naman tama yon, member sila ng cast ng ‘It’s Showtime’ tapos palagi silang absent, kaya Vhong, Anne, Jhong, ano ba talaga? Mahal ninyo ba ang ‘Showtime?’ Bakit wala kayo rito?

Agad ding dinagdag ni Vice sa kanyang sumbong na absent din daw sina Ogie Alcasid at Darren Espanto at rumaraket daw ito sa Amerika. Susog pa ni Vice, mas mataas daw kasi ang bigayan (talent fee) sa US show kaysa sa Kapamilya noontime show.

Muli itong sinakyan ng batikang aktres at dating Presidente ng ABS-CBN at kumuda, “Bakit ganon minemenos nila ang ‘Showtime?’ Kailangan na nating i-meeting si Cory Vidanes!”.

Siyempre, kunwari inaawat- awat pa ni Meme Vice si Ma’am Charo na ‘wag nang palakihin pa ang isyu dahil papasok naman daw uli sa show ang mga absent na host.

Obvious na pakuwela lang ito kaya bet na bet ng madlang pipol worldwide. Laugh trip ang lahat. Iba raw talaga bumanat ng joke ang Unkabogable star.
Yun na!

(Ogie N. Rodriguez)

Written By

More From Author

nba-pacers

Bangko pero petmalu! Bennedict Mathurin pasiklab sa Pacers sa Finals Game 3

LUMIPAT sa Indianapolis ang NBA Finals na magkabuhol sa 1-1, pagkatapos ng Game 3, abante…

bella-bellen

Swak sa AVC semifinals! Bella Belen, Angel Canino, Alyssa Solomon binuhat Alas

SUMINGASING ang mga hitter na sina Michaela “Bella” Belen at Angel Anne Canino, maging si…

sylvia-sanchez

Sylvia Sanchez natulala, hindi malimot karanasan kina Cate Blanchett, Halle Berry, James Franco, Elle Fanning

Hinding-hindi na malilimutan ni Sylvia Sanchez ang karanasan niya sa 2025 Cannes Film Festival, na…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *