AYAW pang isuko ng New York Knicks ang season sa Indiana Pacers.
Umiskor ng 32 si Jalen Brunson, binak-apan ng 24 points, 13 rebounds ni Karl-Anthony Towns, at binawian ng Knicks ang Pacers 111-94 sa Game 5 nitong Biyernes (Huwebes sa Madison Square Garden).
Idinikit ng New York ang series 3-2, susubukan muli ng Indiana na tapusin na sa Game 6 sa Indianapolis sa Linggo (araw sa Manila).
Nag-start si Towns sa kabila ng namamagang kaliwang tuhod. Nasa first five din muli si reserve center Mitchell Robinson, off the bench si Josh Hart.
Nagsumite si Hart ng 12 points, 10 rebounds, 4 assists, 2 steals, nag-ambag ng 6 markers, 6 boards, 1 steal, 2 blocks si Robinson.
Dalawang gabi matapos magregalo ng 43 points sa first quarter, nilimitahan ng Knicks ang Pacers sa 45 points lang sa first half.
Naigapos din si Tyrese Haliburton sa 8 points (2 of 7 shootin), 6 assists matapos ang pasabog na 32-12-15 sa Game 4.
Umalingawngaw ang. “Knicks in 7! Knicks in 7!” sa final minutes nang paypayan ng New York ang tsansa na maging 14th team na umahon mula 3-1 deficit para agawin ang series win.
Kinain ni Brunson ang point guard counterpart niya sa Game 5, rumesbak sa bisa ng kanyang franchise-record 21st postseason game ng at 30 o higit pang puntos.
May 14 points na si Brunson sa first quarter nang lumamang ang Knicks 27-23. Scoreless siya sa second pero sinalo ng 12 ni KAT para sa 56-45 lead sa break.
Si Pascal Siakam (15) lang ang starter ng Pacers na naka-double digits. May 23 points off the bench si Bennedict Mathurin. (Vladi Eduarte)
