Manyakan sa Kabataan party-list sumingaw

Kinumpirma ng Kabataan party-list ang isinasagawang internal investigation hinggil sa alegasyon ng rape ng isa nilang miyembro matapos ang pinost ng dating youth officer sa social media.

Ang social media post na naging viral nitong Linggo, Hunyo 1, nagreklamo ang isang babae hinggil sa hindi umano pag-aksiyon ng party-list sa kanyang reklamo at kawalan ng suporta sa kanyang ipinaglalaban.

“Sabi sa akin ng isang galing sa National Executive Committee, hindi raw kaya ng HQ mag-adjust para sa mental health ko kaya papaalisin na ako doon dahil mahirap daw mag-adjust ang lahat para sa isa. Partida, ginahasa ako ng isa nilang miyebro. Halos itaya ko ang lahat-lahat ko para sa kanila tapos kaunting adjustment lang tinatanggihan pa?’” saad ng biktima sa kanyang Facebook post.

“Seryoso ba kayo na tinatake ninyo seriously yung nangyari sa akin sa hanay ninyo? Pang-tatlong abusong sekswal na nga bago kayo magbigay ng mental health support tapos hindi ninyo pa sinisikap yung primaryang tulong na kailangan ng biktima na makalayo sa pinangyarihan ng krimen,” dugtong pa niya.

Naglabas naman ng statement si Kabataan Party-list National President Julius Cantiga hinggil sa nasabing isyu.

“We would like to clarify that we are aware of the sensitive issue and are already handling the matter since receipt of the report several weeks ago. Upon receiving the report, we acted to support the survivor, helped in forming a formal disciplinary complaint, and launched an internal investigation which is still ongoin¬g,” saad ni Cantiga.

Idinagdag pa niya na ang akusado ay isinailalim na sa preventive suspension “to ensure the integrity of the investigation and the welfare of the members,” at ang sangkot ay hindi umano miyembro ng National Executive Committee.

Written By

More From Author

nba-pacers

Bangko pero petmalu! Bennedict Mathurin pasiklab sa Pacers sa Finals Game 3

LUMIPAT sa Indianapolis ang NBA Finals na magkabuhol sa 1-1, pagkatapos ng Game 3, abante…

bella-bellen

Swak sa AVC semifinals! Bella Belen, Angel Canino, Alyssa Solomon binuhat Alas

SUMINGASING ang mga hitter na sina Michaela “Bella” Belen at Angel Anne Canino, maging si…

sylvia-sanchez

Sylvia Sanchez natulala, hindi malimot karanasan kina Cate Blanchett, Halle Berry, James Franco, Elle Fanning

Hinding-hindi na malilimutan ni Sylvia Sanchez ang karanasan niya sa 2025 Cannes Film Festival, na…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *