Muli na namang tatakbo si Nadine Lustre para matulungan ang mga aso’t pusa sa Siargao.
Actually, nagawa na ito ni Nadine kasama ang boyfriend na si Christophe Bariou last year.
Super successful ang nasabing collab fund raising project ng aktres kasama ang isang brand ng water tumbler at ang animal welfare organization sa Siargao na tinutulungan ng aktres, ang Be Pawsitive.
Mismong si Nadine ang naghihikayat sa netizens na samahan siya para makalikom ng sapat na pondo na gagamitin sa pag-spay at pag-neuter sa mga aso, ito ‘yung surgical removal ng reproductive organ ng mga aso at pusa sa isla.
Last year nga ay umabot sa 300 runners ang sumali sa kanilang kaparehong fun run at nakapag-spay at neuter sila ng 200 plus pets.
Hoping nga si Nadine at ang organizers ng worthwhile event na ito na mahigitan pa nila ang bilang ng mga tumakbo at lumahok noong isang taon.
Siyempre, nangako na ang solid followers at friends ng actress-singer na full support sila rito at sasamahang siyang tumakbo sa Siargao on June 8.
Bongga!
