Odd-even scheme kinansela rin: Itigil EDSA rehab – PBBM

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Linggo ang isang buwan na suspensiyon ng pinaplanong full rehabilitation ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), sa pagsasabing kailangan nilang pag-aralan kung paano mapapaikli ang proyekto upang hindi gaanong maperhuwisyo ang publiko.

Ang EDSA rehab na sisimulan sana sa Hunyo 13 ay layong i-overhaul ang pangunahing kalsada sa Metro Manila.

“Meron tayong nakitang mga teknolohiya na hindi natin nagamit sa pagplano sa EDSA rehabilitation. Kaya ang instruction ko kay (Transportation) Secretary Vince Dizon at saka (Public Works and Highways) Secretary Manny Bonoan, ang sinabi ko pause muna sa rehabilitation. ‘Wag ninyo na muna gagawin,” wika ni Marcos sa paglulunsad ng promo fare sa Metro Rail Transit-3 GMA-Kamuning Station sa Quezon City.

Ayon sa Pangulo, kailangang pag-aralan ng mabuti ang cost-benefit ng two-year rehabilitation project, dahil sa idudulot na mabigat na daloy ng trapiko sa daang libong commuter at motoristang dumadaan sa 23-kilometer EDSA.

“Maganda sana ngunit mala¬king sakripisyo ang dalawang taon. Masyadong mabigat, masyadong mahigpit ang trapik,” ani Marcos. “We will find a better way na hindi masyado mahirap para sa ating mga kababayan.

Dahil sa suspensiyon ng EDSA rehabilitation, inanunsiyo naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ikakansela rin ang implementasyon ng odd-even scheme.

Sinabi ni MMDA Chairman Don Artes na kailangan din nilang mapag-aralan kung paano mapapaluwag ang daloy ng trapiko kapag itinuloy ang rehabilitasyon sa EDSA.

“The postponement will give us time to look for other traffic mitigating options for the EDSA rebuild which will be less than burdensome to motorists and commuting public,” saad ni Artes sa isang statement. (PNA)

Written By

More From Author

nba-pacers

Bangko pero petmalu! Bennedict Mathurin pasiklab sa Pacers sa Finals Game 3

LUMIPAT sa Indianapolis ang NBA Finals na magkabuhol sa 1-1, pagkatapos ng Game 3, abante…

bella-bellen

Swak sa AVC semifinals! Bella Belen, Angel Canino, Alyssa Solomon binuhat Alas

SUMINGASING ang mga hitter na sina Michaela “Bella” Belen at Angel Anne Canino, maging si…

sylvia-sanchez

Sylvia Sanchez natulala, hindi malimot karanasan kina Cate Blanchett, Halle Berry, James Franco, Elle Fanning

Hinding-hindi na malilimutan ni Sylvia Sanchez ang karanasan niya sa 2025 Cannes Film Festival, na…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *