Sandara Park nakipag-bonding sa mga Pinoy

Nakakabilib naman talaga ang pagmamahal at pagtangkilik ni Sandara Park sa mga Pilipino. Kahit saan ito pumunta hindi nito nakakaligtaang ibida ang pagiging magiliw sa mga Pinoy.

Gaya na lamang ng pagpunta niya sa Amerika kung saan nagawa pa niyang bumisita sa isang restobar na tambayan ng mga Pinoy.

Ibinida niya ito sa kaniyang IG post sa pagbahagi ng ilang larawan at video sa loob ng restobar. Pati na ang pagkain niya ng mga putaheng Pilipino at ang pakikinig sa banda na binubuo ng mga Pinoy artist na sinasabayan niya sa pag-awit.

Makikita sa mga larawan ang pagsasaya ni Sandara sa restobar na ang isa ay hawak pa ang mug ng Pinoy beer na paborito niya.

Kinunan niya ng shoot ang loob at labas ng restobar, ang mga taong nagsasayaw sa kanilang table at ang palakpak niya matapos ang tugtugan.

Kasama rin sa larawan ang pagbida rin ni Sandara ng mga certified Pinoy foods na sisig, crispy pata, liempo at iba pa.
Nasa message caption ni Sandara ang kasiyahan niyang maka-bonding sa iisang lugar ang mga Pilipino.

Sey niya, “So happy to meet my kababayans in LA, in my favorite restaurant, with my favorite foods, with my favorite songs and the energy!!!! Yan ang Pinoy!!! Loved the live band. Sing along while eating.”

Nasa LA si Sandara dahil nag-concert ang grupo niyang 2NE1. At sa pamamasyal, hindi nya pinalampas ang makadaan sa nasabing Pinoy hangout. (Rey Pumaloy)

Written By

More From Author

nba-pacers

Bangko pero petmalu! Bennedict Mathurin pasiklab sa Pacers sa Finals Game 3

LUMIPAT sa Indianapolis ang NBA Finals na magkabuhol sa 1-1, pagkatapos ng Game 3, abante…

bella-bellen

Swak sa AVC semifinals! Bella Belen, Angel Canino, Alyssa Solomon binuhat Alas

SUMINGASING ang mga hitter na sina Michaela “Bella” Belen at Angel Anne Canino, maging si…

sylvia-sanchez

Sylvia Sanchez natulala, hindi malimot karanasan kina Cate Blanchett, Halle Berry, James Franco, Elle Fanning

Hinding-hindi na malilimutan ni Sylvia Sanchez ang karanasan niya sa 2025 Cannes Film Festival, na…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *