Inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Huwebes na si Police Major General Nicolas Torre III ang napili ni Pa¬ngulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na susunod na magiging Philippine National Police (PNP) chief.
Papalitan ni Torre ang kasalukuyang PNP chief na si Police General Rommel Marbil, na ang pinalawig na termino ay nakatakdang magtapos sa Hunyo 7.
Matatandaang si Torre ang nanguna sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Ninoy Aquino International Airport noong Marso 1 at kay Pastor Apollo Quiboloy sa Kingdom of Jesus Christ compound noong Set-yembre 2024.
Sa ngayon, si Duterte ay nakakulong sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court habang si Quiboloy naman ay nakakulong sa Pasig City Jail dahil sa mga kasong qualified human trafficking at sexual abuse. (Carl Santiago)
