Bebot kinatay ng dyowa sa bangketa

KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng isang 40-anyos na babae nang pagsasaksakin ito ng kanyang live-in partner sa kasagsagan ng kanilang pag-aaway noong Miyerkoles sa bangketa ng Quezon Avenue sa Barangay Poblacion 5, Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Annalyn Boncodin, residente sa Barangay Janagdong 2, Sariaya, Quezon.

Ayon sa report ng Sariaya police, bandang alas 2:40 nang tanghali nang makitang paikot-ikot sa kalsada ang biktima na waring may hinihintay.

Makalipas ang dalawang oras, dumating ang suspek na nakilalang si Ian Glenn, 38 anyos, na lulan ng motorsiklo.

Ilang saglit lang ay nakita na umanong nag-aaway ang mga ito sa bangketa.

Sa kasagsagan ng kanilang pag-aaway, biglang bumunot ng kutsilyo ang suspek at paulit-ulit na sinaksak ang biktima saka mabilis na tumakas.

Dinala ng Sariaya Emergency Response Team ang biktima sa Greg Hospital pero hindi na ito umabot nang buhay.
Tinutugis na ang suspek. (Ronilo Dagos)

Written By

More From Author

nba-pacers

Bangko pero petmalu! Bennedict Mathurin pasiklab sa Pacers sa Finals Game 3

LUMIPAT sa Indianapolis ang NBA Finals na magkabuhol sa 1-1, pagkatapos ng Game 3, abante…

bella-bellen

Swak sa AVC semifinals! Bella Belen, Angel Canino, Alyssa Solomon binuhat Alas

SUMINGASING ang mga hitter na sina Michaela “Bella” Belen at Angel Anne Canino, maging si…

sylvia-sanchez

Sylvia Sanchez natulala, hindi malimot karanasan kina Cate Blanchett, Halle Berry, James Franco, Elle Fanning

Hinding-hindi na malilimutan ni Sylvia Sanchez ang karanasan niya sa 2025 Cannes Film Festival, na…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *