Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na iisa lang ang balidong Philippine passport ni Atty. Harry Roque, kasunod ng mga alegasyong mayroon siyang higit sa isang pasaporte.
Ayon sa pahayag ng DFA nitong Huwebes, ang diplomatic passport ni Roque na ibinigay noong panahon ng administrasyong Duterte ay nag-expire noong Disyembre 2022.
Ang kasalukuyan naman niyang regular na pasaporte na inilabas noong 2024 ay may bisa hanggang Hulyo 2034.
“The Department of Fo¬reign Affairs can confirm that Mr. Harry Roque holds only one valid regular Philippine passport. All previously issued under his name have been duly cancelled in accordance with existing rules and regulations,” ayon sa DFA.
Matatandaang unang sinabi ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may hindi baba sa dalawang pasaporte si Roque na aniya’y labag sa batas. (Angelica Malillin)
